Paano mag meditate? Paano makapag focus sa pag me meditate lalo na sa mga beginners.

Paano mag meditate?
Paano makapag focus sa pag me meditate lalo na sa mga beginners. May tama at mali ba na pamamaraan sa pag me meditate?
Sagutin natin itong tanong na ito. Pero para malinaw. Himay himayin muna natin instead na mag dive deep tayo agad ng hindi natin alam kung ano ang sinisisid natin at bakit tayo sumisid.
So hinati hati ko ang article na ito sa 3 parte.
Una idefine natin kung ano ang makulit na thoughts sa ating "reality" at bakit tayo nahihirapan o mahihirapan mag meditate.
Pangalawa, i define natin kung ano ba ang meditation practice, ano ba ang ibig sabihin at silibi ng pag me meditate.
Pangtalo, paano nga ba magmeditate.
The fact na nandito ka, is because you are already in a spiritual practice or now being called forth towards this path of self realization. Pero please take note na ang mga isasaad dito sa article na ito ay base sa aking experience at hindi sa libro or kahit kaninong guru or spiritual teacher. Ito ang gumana at naging epektibo para sa aking expansion. You can use this information as a tool or additional reference na maaaring makatulong sa iyong sariling paglalakbay. By all means, malaya kang tanggapin or hindi tanggapin ang aking mga isasaad dito sa article na ito.
Sa ating soul mate na nagpadala ng tanong na ito, This question shows that your soul is indeed calling you to meet with your higher self. You are being invited to be ready to see thru the higher dimension of consciousness. BE PREPARED. I want you to know na normal lang ang mahirapan mag meditate or mag focus. Hindi ganon kadali lalo na sa isang adult whose subconscious mind has been programmed na kailang maraming iniisip para marami kang magawa sa buhan para magkaroon ka ng silbi sa sarili mo, sa mga tao sa paligid mo, at sa lipunan.
Normal na hindi maging madali sa iyo mag focus lalo na kung BAGO ang experience na ito sa iyo at baguhan ka sa practice na ito. All humans, together with our ego ay mabilis na ma distract, for a lot of factors. Ang utak natin sa umpisa na mag practice mag meditate ay parang pusa na binibinyagan sa tubig, kakawala, magwawala, kasi hindi ito sanay sa tubig. Ganun din ang utak natin. Hindi sanay mag isip ng wala at mag focus sa wala or sa kawalan or in english in NOTHINGNESS.
Diba in our early statges in this life as kids, kapag nakikita tayo na nakatulala and nakatingin sa malayo or sa "kawalan" at nag d daydream ano ang ginagawa at sinasabi sa atin ng teachers and mga loving family members natin, they snap their fingers right in our face telling us to get back to "REALITY" which obviously is THEIR reality. Bilang mga bata, we all HAD our own magical fun world, something that we call our OWN reality, our own world, a whole new world and masaya tayo sa mundo na yon, di ba? AND if one is happy somewhere, with some thing, or with someone whether someone else or with our self, that means, one is in alignment with the SOURCE or ung tinatawag nating DIOS. Kapag masaya ang isang tao o nilalang, kasama natin ang DIOS and we LIVE our life Ang kabaligtaran ng LIVE? EVIL! So, masama ba if we LIVE happy in our own world? in our own "reality"?
Bilang bata, pinapaniwala tayo na our mental, physical, spiritual or energetic aspect or capacity is weak and not even capable at all and is useless. Kaya, isinubo at ipinalunok sa atin ng mga mahal natin sa buhay na ahead sa atin, kasama ng ating mga teachers, at ng lipunan ang "reality" na isinubo at pinapalunok lang din ng mga nagsubo at nagpalunok sa kanila ng konsepto ng realidad. You see, pasa pasa lang, generation after generation ang konsepto ng kung ano ang realidad or reality or katotohanan dito sa mundo, sa ating mundo.
Sa kadahilanang ito, mahirap baguhin ang realidad na kinagisnan nating at maniwala muli sa realidad na alam natin INNATELY, INTUITIVELY, from the very time that we were born as sweet angelic little babies.
I suppose, nagkaroon ka ng grasp kahit paano, on how you were really able to have and know what you know now about reality and why it's hard to focus in what's "real" and "nothing" within us kaya tayo mahihirapan mag focus when we TRY to meditate

Before ka pa mag meditate, tulad ng pag travel or pag bisita sa isang lugar, you would want to know first kung anong klaseng lugar at tao ang pupuntahan at makakasalamuha mo ng sa gayon at may IDEA ka how you would interact and deal with them.
Meditation does not necessarily have to mean na nakaupo ka and nakapilipit ung legs mo sa lotus position, and nakapikit ang mga mata.
What IS Meditation
Meditation is about BEING PRESENT, (present!!!) sa bawat minuto ng iyong galaw at nararamdaman. So kung "nag me meditate" ka at may nararamdaman kang saya, lungkot o galit o pagkabagabag at niramdam mo ang pakiramdam na ito en vez na isantabi o labanan, YOU ARE MEDITATING still, kasi, ano nga ulit ang meditation, it is about being PRESENT IN THE PRESENT MOMENT. Kapag binalewala mo or nilabanan ang emosyon or thoughts na currently or presently na nasa utak or damdamin mo, mahirap talaga matapos or even mag patuloy sa pag me meditate.
When you say you WANT AND HAVE to focus while meditating, it means to NOT
resist o hindi paglaban o pag kontra sa mga mapapadpad sa utak o sa damdamin mo. That is why get this, yung mga the best athletes, mga wiz kid, mga singers, dancers, entertainers or even successful entrepreneurs, they are able to perform at their best kapag intuitively "focused" sila sa E MOTIONS nila and sa gusto nilang maramdaman at na e express nila or nagagawa nila ng maayos ang TASK nila dahil naka FOCUS sila sa inner voice nila at the present moment.
Another example of a great way of meditation is when one is having an energetic union with someone sa pamamagitan ng pisikal na katawan.
This union, which, we call love making or sex. Ang isang nilalang ay nasa present moment with his or her thoughts and feelings when having sex, kaya nga diba when you are having sex with someone, you "feel' heaven within you and you become one with the SOURCE, that which we call GOD, kasi wala tayo sa state kung saan kino kontra natin ang damdamin o isip, we just flow, our emotions, enery in motion, flow freely, when we are having sex.
This being said, ang pag me meditate is about learning to respect and FEEL the present state of your BEING o ng iyong pagka TAO, pagka KALULUWA at pagka ESPIRITU also known as ENERGY. Mahirap mag focus when we meditate kasi hindi naman natin alam kung SAAN nga ba talaga tayo mag focus. Then this time, I am telling you that in meditation, what you FOCUS ON, ang bibgyan mo ng FULL ATTNETION ay ang iyong KALOOBAN, hindi sa kung ano ang nasa labas . You focus your attention WITHIN, ano itong WITHIN na ito? This is you placing your attetntion sa iyong isip o naiisip o damdamin o nararamdadaman sa kasalukuyan.
That is why when you meditate, normal na maiyak ka, magalit ka, matawa, o malungkot. Kasi, again, ano ang meditation? It is being IN THE PRESENT MOMENT which means that nasa estado ka ng pagtanggap, pargramdam, pag respeto, ng iyong kasalukuyan.
This being said here are the tips kung paano mag meditate. Given na naisapuso mo ang kakatapos lang na part 2 ng video na ito.

PART III
STEP BY STEP PROCESS PAANO MAGING EFFECTIVE AND SUCCESSFUL ANG IYONG PAG MEMEDITATE.
Kung nag uumpisa or matagal ka na nagmemeditate (most likely ginagawa mo na itong mga steps na ito) Pero kung nag uumpisa ka pa lang sa meditation practice, first thing na dapat mong umpisahan at dapat masanay na gawin ay ......drum roll please !!!!!
1. Journalling!
You can do this sa kahit anong paraan mo gusto nang naaayon sa iyong schedule o creativity. I'm BIG on journalling even since high school, ang uso pa noon ay diary, DEAR diary, kaway kaway jan mga 80s babies, comment down below dear diary, if naabutan mo itong era na ito. .. Ibinubhos ko lahat lahat lahat, and I mean lahat lahat (lahat nga!!) sa papel. Kung napanood mo ang video ko Paano magalit. Tips na puedeng gawin kapag galit, alam mo kung ano ang isang technique na pinaka mabisa para maibsan ang isang pakiramdam o isipan na hindi mo nagugustuhan. Kailangan mong panoorin itong video na ito para sa buong detalle kung bakit napaka essential ng journalling sa iyong paglalakbay, espiritual man o pisikal na paglalakbay.
Kapag isisinusulat at ibinubuhos mo ang lahat ng iyong thoughts and feelings and emotions sa papel, you get to be in the present moment. wala makakaistorbo sa iyo, you get to focus. Also, it is one way of communicating and voicing out everything to our Higher self. to the Source, the Univers, that which we call God.
Journalling is in and of itself is a form of meditation kasi ikaw ay nasa kasalukuyan o present moment with your thoughts and feelings, you are letting it all flow, walang kinokontra, ang walang kokontra sa iyo. It's just between you and your higher self, or GOD or Divine.
One suggestion kapag nararamdaman mong hinuhusgahan mo ang sarili mo sa mga sinusulat mo, just go ahead and let it all flow. Hayaan mo lang lumabas ang lahat. Marami kang ma eexplore within you and ma didiscover about YOU and GOd which is you, GOd who loves with no conditions and no boundaries, kapag religiously or regularly mo pinractice ang pag journal.
2. suggested tip;
Cry therapy or laughter therapy. Cry for no reason. Laugh for no reason. I mean, nagagalit nga tayo nang walang dahilan di ba? Then why not cry or laugh for no reason. It is good for your entire well being! naibubuhos mo yung "shitty emotions" na dapat lang talaga umagos at dumaloy palabas ng iyong damdamin, and believe, kalokohan na walang taong walang pinagdadaanan dito sa mundo, buhay ka, and nandito ka sa mundo, dumadaan ka dito sa mundo, so paanong mangyayari na wala kang pinagdadaanan, patay lang ang walang pinagdadaanan, mahal ko. So let your emotions flow.
Emotions are energies in motion, kapag pinigil mo ang kahit anong emosyon mo, mahihirapan ka talagang mag focus, kasi one way or another, your thoughts which by the way is also energy that vibrates ay maglalakbay o gagala ng gagala kung saan saan maghahanap ng lugar na malalabasan o madadaanan kaya nga sa english diba may term na 'thoughts that are all over the place". Ito ung utak na kalat kasi nga hindi makapag FOCUS kasi nga, binabalewala nilalabanan or itinatago o isinasantabi ang mga thoughts and emotions na dapat dumaloy or lumabas. So make sure to always express your thoughts and feelings and or emotions.
Sa kadahilanang ito, napaka improtante na mayroon tayong ALONE TIME. Yung as in tayo lang mag isa. Walang jowa o junakis o tropa sa paligid. Hindi ito ung alone time sa spa. That's not a "me" time, may kasama ka e. "Me" time is your alone time, as in it's just you, alone. Isa pa to, we are afraid to be alone, kasi takot tayong harapin ang ating sarili ng mag isa lang tayo, no we are not afraid na baka may multo tayo na makita pag mag isa ka lang, cmon, ang multo na ito, ay ang sarili mong multo sa iyong puso na pinapaniwala mo sa utak mo. BUT ANYWAY that's a different topic. So going back nga, When you spend time alone with your "self" , you can DO and express any thing you want ng wala kang nape perwisyo. You are able to express and do and be anything you want ng wala kang iisipin na mag ja judge sa iyo or iistorbo sa iyo.
Now if for example, so mag travel ka with a group para mag punta sa nature or mag hike, for an "ALONE TIME" FIND A GOOD SPOT na walang tao or sa spend an alone time sa loob ng tent para mag muni muni ka or mag drama drama ka ng mga emotions mo doon.
3. Then you can go the the meditation proper and be free to start to meditate ng naka upo or indian sit like the meditation position that you already have an idea of. Mag umpisa ka sa upo na kung saan kumportable ka. Puedeng yung left and right hand mo ay nasa dibdib mo or sa may puso so you can feel your heart beat and ung pag taas baba ng dibdib mo habang humihinga. At this point, you should now be able to focus sa iyong hininga. Sa puntong ito, makakaya mo na mag focus sa isang bagay at iyon ay ang iyong hininga, and again, sa puntong ito makakaya mo na mag focus sa iyong hininga for at least 1 minute, then 3 minutes, then 3 minutes.
This TAKES PRACTICE NOT DETERMINATION. Kasi, determination is a PUSH and hindi mo pwdng itulak ang isang enerhiya , ang isang espiritu , na IKAW. Keep on practicing. Kapag nagawa mo ung pag focus sa hininga mo ng 1 minute or up to 5 minutes, slowly but surely magagawa mo ito ng 15 to 20 minutes. depende sa lifestyle mo. Malaya ka nmn gumamit ng alarm or timer.
I would also suggest na mag hold ka ng certain yoga pose sa umpisa for at least a minute and then sa kalaunan, maybe up to 5 minutes. Habang hinohold mo ang yoga pose, focus ka lang or ilagay mo ang atensyon mo sa hininga mo , pagtaas at pagbaba ng iyong dibdib habang kumukuha at naglalabas ka ng hininga palabas papasok ng iyong baga. Ilagay mo ang iyong atensyon sa hininga at hindi sa yoga pose.
idadagdag ko lang na wag mo munang pilitin ang sarili mo na magmeditate into nothingness, mejo advanced ito. Ito na ung puedeng mapunta ka into trance state. Go slow sa journey mo, hindi nmn requirement na ma attain ang higher level states sa meditation. Sa totoo lang, source or GOD does not require us of anything okay, kung ready ka na mag level up, well and good, if hindi pa, just enjoy the basic process, makakarating ka din sa gusto mong destinasyon.
4. At this point. you can try yoga. YOG literally means UNION, union with the source, or your higher self, God, Divine. ang 30 minutos hanggang isang oras ng yoga practice is a full practice of meditation. Siguro ibawas mo ung ibang minuto na may dadaan ar dadaloy na thoughts or emotions kung saan again, hindi mo dapat kontrahin, bagkos, hayaan mo lang dumaloy kasi ano nga ulit ang meditation or prayer/ Ito ay practice o pagsasanay na maging present ka sa kasalukuyang estado ng iyong isipan, emosyon o enerhiya.
Pagpalain ka nawa, sampu ng iyong pamilya ng siksik liglig at umaapaw.
Watch this video: Paano mag meditate?
Paano makapag focus sa pag me meditate lalo na sa mga beginners, HERE: https://youtu.be/GFE7RjvJ1HQ




Comments