15 English and Tagalog Affirmations to deal with sudden stress
Stress. Ito nga ba ay dapat mawala? Ano ang dapat gawin para ito ay tuluyang mawala?
Hindi nga ba tayo dapat ma stress?
Ang stress ay walang iba kundi takot. takot na hindi mangyari ang mga bagay bagay ng naaayon sa plano mo or gusto mo. At sa mundo ng polarity kung saan may 2 sides ang lahat ng bagay, may taas may baba, kanan kaliwa, loob labas, love fear. Ang buhay natin kahit gaano natin naisin na laging nasa frequency of love and light and happiness , tulad ng dagat, ang buhay natin, may alon.
Alon ng energy na dumadaloy sa buhay natin at ito, ay hindi linear o isang derecho na linya, ito ay multi dimensional kung baga, umaagos sa iba ibang direksyon ang enery ng mga pangyayari na nararanasan natin sa buhay.
Watch the video on YouTube for FREE here:
This said, ang energy na dumadaloy sa buhay natin, sa mga everyday experiences natin ay nag fa fluctuate, in short there's no such thing as "stress-free" for life of "happy lang lagi" at hindi ibig sabihin nito, dapat tumakas tayo sa problema o mga taong hindi natin nagugustuhan para lang hindi tayo ma stress. Setting boundaries for yourself is a whole lot different story, but to keep your body --- mental, emotional or energy body and your physical body healthy, it must be able to balance stress na walang iba kundi takot, we must be able to balance fear and love.
Sa mga sandaling ito, it's either nag eenjoy ka o hindi ka nag eenjoy sa buhay, ang iyong iniisip ay may epekto sa sa nararamdaman ngayon o mararamdaman bukas ng iyong katawan. Kung iniistress mo ang sarili mo o kung takot ka sa bawat maliliit na bagay sa buhay example, lukot sa may dulo ng pantalon mo o sa message ng friend mo na naka all caps.
Mga maliliit na bagay na pinapalaki, hindi mo talaga ma a attain ang balance between love and fear o yung tinatawag na "inner peace"
Sa panahom ngayon, maski bata alam na ang salitang "stress" e, 'no? We talk about "stress" a lot. Konting kibot na hindi nagugustuhan, stress na agad iyon. I remember my team leader way back before, laging stressed. May makita lang sya na tao na hindi nya gusto, mag hi hysterical na sa desk nya, sasabihin nya, "aaaarrrgh!!!! ka stress!!!!!" , "nakaka stress"! And guess what, ganito sya kapag either kakagaling nya lang sa yosi break or before yosi break...she'll be like "aaaargh. stress" tara yosi tayo" .... yung inaaaya nya was my other team mates.
Kahit kanino na lang naririnig natin itong word na ito, bukambibig na ito..."arrrrgh, ka stress, buwisit!!!" stress dito, stress doon.
Ang stress ay ang takot sa pagharap o pagtanggap ng mga madalas na hindi maiiwasang pagbabago at mga pangyayari sa buhay.
Madalas, excuse na lang natin yung "stress", "nakaka stress" para hindi tayo maging responsable sa sarili na rin nating mismong mga emosyon o feelings. Kung puede natin isisi sa ibang tao o ibang bagay instead na gawan natin ito ng paraan, feeling natin mas madaling makawala o makatakas sa blame o sisi. Diba nga naman, e di hindi tayo ang may kagagawan o may kasalanan. It'll be out of our hands and we easily play or can play the victim. Ganun ang nangyayari diba kapag "stressed" , One becomes a victim. Nagiging pa victim mode. Pero ang pagiging victim o pag take ng victim role na "huy kawawa ka naman" doesn't and can't solve the problem. no? It cannot change the situation.
Madalas, ini stress natin ang sarili natin o naiistress tayo dahil? What? Why do we get stressed?
We get stressed kasi halo halo o labo labo ang priorities natin sa buhay! Halos karamihan, ang akala nila is that pera ang pinaka importante sa buhay nila. Pero hindi ito totoo. May mas higit higit pa na napaka importante at napaka halaga sa buhay natin na kung wala ito, hindi tayo puede mabuhay, literally hindi tayo mabubuhay. Literally pag wala it, mamatay tayo. Ano ito?
Ano ito sa tingin mo?
Isang bagay na napaka importante na kung saan kapag wala nito, hindi tayo mabubuhay.
Ano ito sa palagay mo?
Yup. Our breath. Our breath is the most precious substance in our life pero, ano? Binabalewala natin ito. Ni hindi nga natin napapansin na humihinga pala tayo diba? Pagkagising na pagka gising pa lang natin, do we even think AND THANK first and foremost, our breath? Yes? No? Maybe?
Kapag hindi tayo huminga sa loob ng 3 minuto, wala, literal na bubulagta ka jan.
Yung Source o Great Force or One Infinite Energy, na tinatawag na "Dios" na lumikha sas atin ay binigyan tayo ng sapat na hininga para tumagal tayo hanggang kailan natin gusto mabhay dito sa mundo.
This said, hindi ba natin kayang magtiwala in this same Source o Great Force or One Infinite Energy or "God" na kaya nitong supplyan o providean tayo ng lahat ng gusto at kailangan natin? Kapag may tiwala tayo sa buhay o sa "Source" o " o "Great Force" o "Infinite energy" na ito, na aalagaan tayo nito, no matter what, kapag binigay natin ang problema natin sa infinite energy na ito, naglalaho ang problema. May iba ba sa inyo na nakaranas na nito?
When we trust this "Source" o "Divine Force", gumagaan ang dibdib, nakakagaan ng buhay kasi walang nagsisiksikan na thoughts sa utak about any issue or problem kapag "pinapaubaya sa "Kanya" yung mga maliliit na problema, hindi na lumalaki pa diba? And mapapansin mo, hindi ka magkakaroon ng "malaking problema" kasi maliit pa lang ang problema, "pinpaubaya mo na kay "Lord" right? Pag pinapaubaya natin sa "Source" o "One Great Divine Force o "Lord God" yung mga maliliit na takot which is, ano nga? Stress. right? Stress is nothing but FEAR.
Kapag pinaubaya natin lahat sa "kanya", we won't have time to spend on thinking, or should I say, overthinking of mostly negative things that we tend to foresee. Wala tayong oras para pangunahan pa si Lord, right? Hindi na tayo manguguna e, if we trust "God" sa mga worries or fears na nagpapa stress sa atin, tama? Magaan ang buhay!! Nakaka relate ka ba so far? Share this post if nakaka relate ka, malamang may iba rin like you who will be able relate as well.
Hindi mo gugustuhin na magsayang ng oras sa negative thoughts or emotions kasi, affrimations na rin ang mga ito, Yes? Ang palagi na pagiisip or pag d dwell sa negative thoughts and emotions ay isang form ng affirmations in itself--- negative affirmations, na lalo lang nag se send ng signal sa "BIOFIELD" kung saan ito ay nabibigyan ng focus and ano nga ang prinsipyo ng energy? Where your attention goes, energy flows. What you focus on, grows.
Ngayon, itong mga positive affirmations na ibibigay ko sa inyo, MAY work depending on how much you believe in it. Remember? Lahat ng nasa isip at puso natin na nagiging paniniwala natin ay isang AFFIRMATION, Yes?
That said, ang mga affirmations na ishe share ko sa inyo to heal OR DEAL WITH STRESS MAY WORK.
Ibig sabihin, guaranteed to work ito depende sa paniniwala mo. Hindi ka puedeng maniwala sa pagmamahal at takot ng sabay, tama?
Hindi ka puedeng makaramdam ng saya at galit ng sabay, No?
You can NOT believe and then believe 100% at the same time. Yes? No? Yes?
Ito yung sinasabi sa bible in Matthew 6:24 na "You cannot serve two masters at the same time". Are you with me?
No man can serve two masters. Either he will hate the one and love the other, or you will be devoted to one and despise the other.
We cannot love and then be scared or be afraid at the same time. In short, hindi puede mag work ang affirmations (whether negative or positive affirmations) if nainiwala ka na hindi ito mag wo work!
Hindi mag wo work ang kahit anong affirmations kung nainiwala ka na hindi naman ito totoo o hindi naman ito nag wo work.
So, sa susunod na ma stress ka,tanungin mo ang sarili mo. "Anong kinakatakutan ko? What is scaring me?
Stress is nothing but FEAR. Ganun ka simple yun. If you are stressed, you are afraid.
Hindi mo kailangan matakot sa buhay (or kamatayan, for that matter). Hindi mo kailangan matakot sa emosyon at damdamin mo. I check mo ang sarili mo para ma discover mo kung ano itong nag ca cause ng takot sa iyo, ask yourself to find out, o para malaman mo and mabigyan mo ng liwanag kung ano itong kinakatakutan mo.
So, in saying these affirmations that I will share to you, ang goal mo dito is to have joy within and peace within you, and internal harmony. Yung synchronized sa isang positive thoughts and emotions ang iyon utak, puso and ultimately, all your internal organs. Tama?
Ang goal mo dito sa pag chant ng affirmations na ito ay inner harmony.
Ano ba ang harmony kung maitatanong mo?
Harmony is being at peace with yourself. It is not possible to have stress and inner harmony at the same time. Kapag payapa ang utak mo, kalmado ka. You do things one at a time. Organized ang utak mo at hindi ka basta basta na ba bother o naiistorbo.
Ngayon, ito tip. Kapag nakakaramadm ka ng stress, do something to release the fear. Halimbawa nito, huminga ka ng malalim. Pause. Stop. Don't react. Totally go into a halt, parang pag apak sa brake ng sasakyan, apak ka kaagad sa brake. And then hinga ka ng malalim, yung as in buntong hininga. Hold your breath sa bawat inhale mo or hugot mo ng hininga, hold your breath. Mag pigil hininga ka nang hanggang ilang seconds or bilang na kaya mo.
If you have a chance or if you have a way to excuse yourself out of the situation and then go for a walk, do so! Ito yung sinasabi na "magpapahangin sa labas" .Magpahangin ka muna sa labas or anywhere that is away from the stressful situtation or tao.
Then, remind yourself, alright? This is the time kung kailan dapat paalalahanan mo ang sarili mo na "Ako lang ang may kapangyarihan sa buhay ko at pinipili ko na gumawa ng maaliwalas, masaya, mapagmahal, at kapaki pakinabang na araw o buhay sa mga sandaling ito sa araw na ito!
Piliin mo na maging malaya kang gumalaw sa buhay dahil sa pakiramdam na dulot ng iyong paniniwala na ikaw ay safe o ligtas. Huwag mong bigyan ng kapangyarihan ang salitang "stress". Huwag mo itong masyadong gamitin itong salita na ito para ma tense ka o para ma tense ang iyong katawan. Wala kahit na anong bagay o sinong taoo ang may kapangyarihan sa buhay mo. Ikaw lang ang natatanging nagiisip para sa sarili mo at natatanging ang mga nasa isipan mo ang lilikha o gagawa o magpapa totoo ng kahit ano sa buhay mo.
Turuan mo ang sarili mo na mag isip ng mga bagay bagay na magpapasaya sa iyo or magbibgay sa iyo ng magandang mood o pakiramdam. Sa ganitong paraan, you will be creating your life out of joy, and enjoy.
Kapag masaya ka, maa attract mo ang mga bagay bagay o situation o tao na masasaya o nagdudulot ng saya.
If you are still here, comment down below this post "stress free".
You can save or take note of the following affirmations to relieve stress. Paulit ulit mo itong i chant at i affirm sa subconscious mo para maka relieve ng stress at tension sa iyong dibdib.
Affirmations to deal with stress.
1. I LET GO of all fear and doubt and life become simple and easy for me.
2. I CREATE a stress free world for myself.
3. I RELAX ALL MY MUSCLES AND I LET GO of any tension in my shoulders.
4. I SLOWLY BREATHE IN AND OUT and I find myself relaxing more and more with each breath.
5. I AM A CAPABLE PERSON and I can handle anything that comes my way.
6. I AM CONTENTED AND FOCUSED.
7. I feel more secure each day.
8. I AM SAFE when I express my feelings.
9. I can be serene in any situation.
10. I am comfortable with my finances.
11. I am always able to pay my bills ON TIME.
12. Kaya kong i handle ang kahit na anong problema pa man ang lilitaw ngayong araw na ito.
13. Na re release ko na ang stress na walang iba kundi takot. Pinapalaya ko na lahat ng takot sa dibdib ko. Salamat.
14. Nasa proceso ako ngayon sa paggawa ng mga positibong pagbabago sa lahat ng aspeto ng buhay ko.
at ang paborito ko sa lahat ng affirmations sa buong mundo....
15. EVERYTHING IS WORKING OUT FOR ME (for my highest good)
That's it!
Now, it's your turn. Pagkakataon mo naman mag share, Ano ang pinaka paborito mo sa lahat ng 15 affirmations na ito?
Thank you for staying until the end! You're a rockstar! Astig ka! Kung nagustuhan mo ang conversation na ito, subscribe to our newsletter so you get our post in your email when we post a new blog article.
Share this post tungkol sa affirmations to relieve stress sa mga tao na sa tingin mo puedeng matulungan ng message na nandito.
Ikaw ay nilikha ng dakilang tagapag likha para maging dakilang tagapag likha.
You are created by the GREAT CREATOR TO BE A GREAT CREATOR.
So GO! AND BE A GREAT CREATOR!




Comments