top of page
How to become a puppet of the society at maging sunod sunuran sa lipunan.

How to become a puppet of the society at maging sunod sunuran sa lipunan.

Oct 10, 2022
6 min read

Pansin mo, sinanay ka ng lipunan para mag "cope" sa problema mo. Mga panandaliang solusyon para siguradong babalik balik balik balik balik balikan mo. Isa kang bayani na nagpapalago ng ekonomiya bilang impulsive  consumer.  Habang nakakaramdam ka ng patikim tikim na boost ng kasiyahan, hindi mo namamalayan ikaw ay nalululong na.


Matalinong stratehiya di ba?


You have just been hypnotised.


Si Edward Bernays, pamangkin ni Sigmund Freud naniniwala na para ma control o ma manipulate mo o mapagawa mo ang isang bagay sa isang tao ng maluwag sa loob nya at palabasin na ito ay buong buo sa loob nya na  gusto nyang gawin, ay sa pamamagitan ng psychoanalysis. Ibig sabihin kailangan mong matumbok ang deepest desires and wants ng isang tao.  Paano?  Sa pamamagitan ng pagpasok at pag analyse sa subconscious mind.


Ano ang subconscious mind? Ito ang 95 percent ng ating utak o isipan o kamalayan na nag ooperate sa araw araw na buhay natin.


5 percent na nag ooperate sa araw araw na buhay natin ay CONSCIOUS MIND. Iyan conscious ka ngayon, fully awake at alam ang ginagawa sa pamamagitan ng 5 physical senses mo.


Pero ang mga desisyon mo at behaviors at attitude mo towards the things, people, situation, sa araw araw ng buhay mo ay naka base sa SUBCONSCIOUS MIND kung saan na ka imbak ang mga karanasan mo ( on psychological or spiritual jargon ito iyong pysche which basically is the soul or spirit)


at mga emosyon at pakiramdam mo sa mga naranasan mong mga pangyayari sa buhay mo mula ng ikaw ay ipanganak sa katawang tao mo na yan at ang mga namana mo na archetypes mula sa iyong mga ancestors sa nakaraang 14 na henerasyon, not mentioning your experiences from your past lives.


Anong ibig sabihin nito? Ang mga desisyon na ginagawa at pinipili mo ngayon sa kasalukuyan ay iyong ni re refer base sa mga naranasan mo sa nakaraan.


Kung ano man ang mga personal experiences mo sa buhay, ikaw lang ang nakakaalam nyan.  Pero Edward Bernays, na pamangkin ng Ama ng Psychology na si Sigmund Freud ay alam na ang iyong deepest desires and wants ay matatagpuan sa kaibuturan ng iyong isipan and get this, ang katawan ay nag iimbak ng impormasyon na galing sa ating mga alaala. Ibig sabihin nito, hindi lang matatagpuan o malalaman o mahahalata ang iyong deepest desires and wants sa subconscious, ito ay lalabas at lalabas sa iyong pisikal katawan sa pamamagitan ng iyong mga kalamnan at body organs at isa na dito ang puso.



Ang puso, sinasabi na bukal ang lahat na nanggagaling dito, bakit? Dahil nga ang utak at katawan natin ay  isang makapangyarihang at malaking storage device ng karanasan natin at ng mga ancestors natin sa lifetime ito and sa nakaraan at ang centro o meeting place or crossroad ng daluyan ng ating karanasan sa buhay ay ang puso, dito sa dibdib.


Ngayon, saan nanggagaling ang desires at paano nananatiling intact ang desires and wants sa psyche mo to the point na ito ay magkakaroon ng impluwensya sa kasalukuyan mong buhay.


Madaling sagot. Kapag ang mga desires and wants na ito mula pa sa iyong earlier stages in life ay hindi nabigyang pansin o isinantabi,  binalewala, at dineny at binansagang hindi importante at isang kasamaan.



Marami rami ito kung ililista natin. Tulad ng

Desire to be loved

Desire to feel important

The need to feel secure

The need to feel provided for

The need to feel that you belong

Ang pangangailangan na maramdaman na ikaw ay karapat dapat mahalin sa kahit ano pa mang dahilan.


Ang pangangailangan na maramdaman mo na ikaw ay na re recognise o napapansin ng mga tao sa paligid mo.


Ang iyong mga gusto sa buhay.

Mga gustong materyal na bagay

Mga bagay na gusto mong ma posses na hindi na provide sa iyo noong bata ka pa.


Mga tao o tipo ng mga tao na gusto mong makapiling sa buhay mo noong bata ka pa pero hindi mo nakapiling.


Anong tinutumbok natin dito? Ang punto na halos lahat ng mga pangangailangan mo bilang isang tao na karapat dapat maka experience ng mga magaganda at masasaya sa pakiramdam, sa pisikal na katawan at puso at isip kapag ito ay hindi na provide , nabigyang pansin at importansya, ay maiimbak at maiimbak sa iyong SUBCONSCUOUS MIND bakit?


Bilang isang tao na may ego, AKA EARTH GUIDE ONLY ang iyong desires na nagdudulot ng mga emosyon at pakiramdam sa iyong katawan ay nararapat na mabigyan ng atensyon, at nararapat umagos o dumaloy ng maluwag sa iyong buong pagkatao at psyche.


Kapag ang mga emosyon o ENERHIYA NA GUMAGALAW  (ENERGY IN MOTION) at pakiramdam na ito ay hindi makadaloy ng maayos sa iyong pisikal na katawan, ito ay magiging stagnant o maninigas o ma iistuck .


Take note. Hindi ko sinabing maglalaho o mawawala o malilimot.


Bagkos, ito ay mananatili sa iyong SUBCONSCIOUS MIND o sa ilalim ng iyong isipan o kamalayan at sa iyong katawan, sa parte ng iyong katawan kung saan ito ay dapat dumaloy.



Ngayon, since we're talking about needs and wants and desires na hindi nafulfill o nakuha o naibigay o hindi man nabigyan o napagtuunan ng pansin at importansya sa nakaraan nating mga karanasan sa buhay na nananatili lang na nakaimbak sa ating puso at isipan AT PISIKAL NA KATAWAN, kalaunan sa ating buhay dito sa mundo, ang enerhiya na hindi dumaloy dulot ng hindi pagbigay atensyon at pag fulfill sa mga bagay at desires and needs and wants na ito ay unti unti magpaparamdam sa iyo ng naaayon na pakiramdam sa katawan at isip o utak  bilang senyales na oras na para ito ay pagbigyan o pagtuunan ng pansin. 



Ito ay maaaring magdulot sa iyo ng madalas na pagkabugnot, init ng ulo, inggit, mabilis na pag react o instant reaction sa mga bagay,  sitwasyon at tao na hindi na nagdadalawang isip pa, Maaaring magdulot ito sa iyo ng pagka hayók sa mga bagay bagay na tila ikaw ay hindi kumpleto o mapakali at hindi magiging masaya kung ikaw ay hindi nag po possess ng bagay na ito, tao, o isang estado o pedestal sa buhay mo.


Comment down below kung may iba ka pang naiiisip na sa tingin mo ang mga maaaring maging dulot sa kasalukuyang buhay ng isang tao na maraming unfulfilled past desires o unmet childhood needs?


Katulad ng pagiging lasenggo o adik and addiction ay hindi lang sa alak o gamot, maaaring sa exercise o social media, adik sa shopping, etcetera.




Going back sa earlier statements natin, these unfulfilled past desires and unmet childhood needs na kapag hindi napagtuuunan ng pansin ay maaaring maipon at magimbak ng magimbak sa iyong katawan at isip ng mga E MOTIONS na hindi kahit kailan puedeng ma contain o maitago o maisilid dahil ang ENERHIYA NA ITO AY DAPAT WALANG TIGIL NA DUMADALOY.


Ito ang dahilan kung bakit nasasabi natin na  may mga tumatanda na walang pinagkakatandaan. Hindi ito dahil sa hindi sya natuto sa mga karanasan nya sa buhay. Ito ay sa kadahilalanan na ANG ENERHIYA NG KATAWAN NYA NA GALING SA KANYANG MGA NAKARAAN NA EMOSYON NA DAPAT PATULOY ANG PAGDALOY AT PAG AGOS SA KANYANG BUONG KATAWAN AT PSYCHE AY HINDI MAKADALOY ng maayos.



Ito ang dahilan kung bakit na kahit pa ang katawan natin ay tumanda o mag mature, tayo ay patuloy lang sa pagbigay ng pansin at halaga at importansya sa ating INNER CHILD kung saan, or should I say, kung kanino at "sino" ang nagiimbak at nagdadala ng ating deepest desires and wants na nananatili at MANANATILI SA ATING SUBCONSCIOUS MIND hanggang sa punto na ito ay ating bigyan ngbpagkakataong dumaloy at umagos ng maluwag at malaya.



Umpisa na ma "master" o maunawaan mo ang iyong deepest desires and wants bilang isang tao sa pamamagitan ng pag acknowledge at pag intindi na ito ay hindi masama bagkos ang desires and wants na ito ay importante para sa paglago ng iyong kamalayan sa pamamagitan ng pagramdam ng iyong mga karanasan (feelings and emotions)  dito sa pisikal na realidad, ito ay magbibigay sa iyo ng pakiramdam na pagiging malaya kung saan hindi ka na ma co control pa o ma hy hypnotise pa ng lipunan, ng media, ng entertainment, ng simbahan, ng jowa mo, ng kapitbahay mo, ng tropa mo,  at ng ekonomiya.




 
 
 

Comments


Subscribe Form

Thanks for submitting!

©2021 by Luce's Angels. Proudly created with Wix.com

bottom of page